Tips for UST and UST-AB Freshies!

Parang kahapon lang, naliligaw ako kung saan mahanap lang ang Seminary Gym para mag-enroll sa unang taon ko sa UST, magtaka kung bakit ako ang pipili at nakahiwalay ang P.E. ko sa block ko, at bakit sa unang year ko sa UST ay wala akong breaks (first year sched: 11am-3pm, 1-7pm)

Ito na! Bilang matanda na ako’t magtatapos na (isang taon na lang!) sa Unibersidad ng Santo Tomas, nais kong magbahagi ng ilang tips, mga tactics, payo at kung ano ano pa mula sa aking three years of experience! :)

UST-AB tips!

-Apat na floors ang St. Raymond building natin. Yung first two floors sa AB, yung next two sa Commerce na. Pero minsan magkakaroon ka din ng classes sa fourth floor since medyo may scarcity tayo ng AB classrooms. Magmumukha kang alien sa third and fourth floors, pero kung kailangan mo pumunta don, keri lang.

-Pagpasok mo ng building at ang classroom mo ay odd number 100’s, sa right ka ng pumunta (ex. 103) at kung even naman sa left (ex. 106). Kapag naging 200 (ex. 205, ganun din sundin mo sa second floor nga lang. Odd sa right, even sa left.

-Siguraduhin mong may lambda ka, o yung dinidikit sa blouse na mukhang letter A na tali. Kasi magmumukha kang highschool student lalo pag nawala yan.

-Pumasok nang busog, nakakain, nakaihi at nakajebs na sa bahay. Lalo kapag straight ang classes mo at walang breaks.

-Hindi maganda yung flush sa second floor, kaya kung may gagawin ka bukod sa iihi, sa first floor ka na lang, mas madami pang cubicles dun.

-Maghanda na ng index cards, 1x1 at 2x2 pictures lalo kung may Polsci, Constitution, Lit classes ka. Mahilig magparecite sa AB. Mag-advance reading na rin, seryoso. Refer to the syllabus (course outline.)

-Yung black shoes mo, pwede namang hindi leather, basta huwag lang open-toe, at mas madami pa yung mga ribbons, brilyante, beads ang kung ano-ano pa kasi may mga prof na pag nakita yan (kahit sa hallway) papadala ka sa Dean’s sasabihin mo incomplete uniform ka.

-Kung ang klase mo ay magsisimula ng 11 a.m. o 3 p.m., agahan mo ang pagdating kasi yun ang usual na labasan ng Commerce at AB. Nakaranas ka na ng LRT ng 6 p.m. ang byahe on weekdays? Parang ganyan yung feeling nun. Kaya pumasok ka na lang ng maaga.

-Ang ginagawa namin kapag wala pa ang prof ng 15 mins. sa one hour na subject, pwede na kaming lumabas or umalis na ng classroom. Pero minsan dumarating yan, kaya sorry na lang kung absent ka dahil lumabas ka. Pero para sure, ipa-check nyo na lang sa class president niyo kung pumasok ang prof o male-late lang.

-Madaming magagaling na prof sa AB. Magagaling na matitinik. Magagaling na strict. Fair lang naman diba? Kung mapagalitan ka, parte pa rin ng pagtuturo yun. Tsaka nagbayad ka, may karapatan kang matuto.

-Linawin niyo sa prof kung pwede kayong kumain, o lumabas kapag naglelecture siya. May mga prof kasi na ayaw yun, lalo yung mga subjects na after lunch naman. Pero usually pwede kumain, wag lang siguro yung tipong kanin o sabaw o yung tatambay yung amoy sa loob ng classroom.

-Isa sa mga masasayang building yung atin, kasi sobrang lapit sa Dapitan! Pag may kailangan kang bilhin, five minutes lang na trip sa Dapitan, aakalaing nagbanyo ka lang.

-Huwag ipuchu-puchu yung mga subjects, minsan prerequisite yun, hindi ka makakakuha ng subjects hanggang di mo naipapasa yun. At hindi lahat yun naisusummer.

-Tantsahin mo agad yung mood ng prof mo pagpasok ng classroom. Alamin kung pwedeng mangulit o hindi.

-Huwag ka nang mag-Carpark kung pupwede, nasa Dapitan lahat ng masasarap kainan. Yung iba nasa P. Noval.

-Huwag masyadong maangas sa AB, maraming mapagpatol.

-“Huwag mong maliitin ang kakayahan mong tsumamba.” -Sir Atty. Bong Lopez

UST tips!

-Hindi rin advisable mag-heels lalo kung babaha or magcocommute ka pauwi. Kung ipipilit mo, magdala ka na lang ng tsinelas. Handy din yan kapag uulan.

-Payong. Kailangan. Araw-araw.

-Nagjajam yung signals talaga sa UST kahit ordinaryong araw, wag kang maasar sa telepono mo.

-Pag may malalaking events, talagang nagjajam din yung signal. Hindi lang ikaw ang may cellphone sa school. Kaya magmeet up kayo sa isang place at magbigay ng specific time kasi maasar lang kayo sa signal. Promise.

-Saan maraming gwapo? Based on experience sa Commerce, Arki, CFAD at Engineering.

-Saan maraming magaganda? Para sa akin, Arki, CFAD, Science, Commerce at AB.

-Kapag nilapitan ka ni ate Yema, make sure na ma-try mo yung pastillas niya lalo yung cheesy. Tsaka pulvoron. Pero kung hindi mo talaga trip bumili, okay lang sa kanya. Mabait si ate Kaye.

-Madami talagang nagjojogging sa campus. Masanay ka na.

-Sali ka ng madaming org para mas madaming kaibigan!

-Yung mga kaibigan mo, akala mo sa block mo lang makikita. Magugulat ka sa mga iba’t-ibang makikilala mo. Pag may events at kung ano ano pa!

-Manood ng UAAP kasama ang mga non-KJ friends mo na game magcommute, makipagsiksikan, makipagsigawan at makipagcheer sa Araneta. Huwag magsasama sa UAAP ng mga kaibigang tutunganga lang na parang first time manood ng basketball. (P.S. Akin na si Jeric Fortuna. Thanks!)

-Kapag may breaks, try niyo manood ng movie, mag-Quiapo, mag-Sala sa Dapitan (rent a room na pwede manood ng DVD, yung scary!)

-Hindi lahat ng tao matitripan mo sa UST, pero tandaan mo hindi rin lahat sila magiging trip ka. Pipili ka ng mga kaibigan na kaya mo maging ikaw pag nasa paligid sila, hindi kabaligtaran.

-Huwag kang makaka-miss ng UST fireworks.

-Masipag ka kaya may uno kang grado, pero kasalanan mo din kapag mag tres at singko ka. Hindi kasalanan ng teacher mo na may FA (failure due to absences) ka.

-May mga ATM machines sa school, wag ka mag-alala.

-Maging ninja kapag may P.E. ka at kailangan mo magbihis agad-agad.

-Huwag kang mag-expect na walang mumu sa school, 400 years na yan eh, at dating garrison, ospital, kulungan nung World War.

-Crucial sumakay sa Espanya kapag 5 p.m. to 7 p.m. Been there. Good luck.

-Papasa ka at papasa ka kung aayusin mo.

-Kailangan mo ng prepaid load araw-araw.

-Bawal talaga yung Facebook, Twitter at Tumblr sa computer lab at library.

-Huwag ka na umasa sa wi-fi ng UST.

-Main building yang nasa harapan, hindi simbahan. Science at Law yung mga estudyante dyan.

-Sabi nila pag binasa mo daw yung inscription sa likod ng Library at pag lumabas ka sa arch of the centuries kapag hindi ka pa gagraduate, madedebar ka daw. Wag mo na lang din gawin para safe. Like me. Chos.

-Cheer “Go USTe” louder!

-Huwag maarte.

-"Ang taong nagtatanong ay mukhang tanga, pero ang hindi nagtatanong ay mananatiling tanga." -Kiko Machine

-Magiging proud ka na Thomasian ka sooner than you think.

-Mag-invest sa UST shirts. Magaganda na, ang yayabang pa. In a good way, of course.

-Huwag magtiwala agad.

-Huwag magtext o magflash ng mga mamahaling gamit sa mga bangketa.

-Alagaan ang sarili, walang gagawa niyan para sayo.

-Thomasian ka na, alagaan mo yung pangalan kasi hindi lahat nabibigyan ng ganyang pagkakataon.

-Mag-aral ng mabuti. After all, estudyante ka at sa ngayon, YAN ang trabaho mo.

Ang huli ang pinaka-importanteng tip dahil wala nang mas magandang achievement kaysa sa dadalhin mo ang pangalang TOMASINO habang buhay.

Viva La Liga el Tomasino! 

-Maxine S. Serafica, UST-AB Journalism 2013 (One year na lang baby!)

(Source: kadalasanminsan)

  1. simplicitymeforever reblogged this from kadalasanminsan
  2. abnuynabata reblogged this from kadalasanminsan
  3. kadalasanminsan posted this